TV

Lucho Ayala wants to work with Julie Anne and Kristoffer again


Ngayong gabi na ang final episode ng primetime series na Kahit Nasaan Ka Man, at inamin ng young Kapuso actor na si Lucho Ayala na marami siyang mami-miss sa kanilang show, lalo na ang makatrabaho sina Julie Anne San Jose at Kristoffer Martin.

"Nakakalungkot isipin na hindi ko na makakasama 'tong mga taong 'to. Makukulit 'yung mga tao sa set, pero nakaka-miss din siyempre. It's my first time working with Julie Anne here, kaya hopefully makatrabaho ko ulit siya kasi it's really nice working with her. Mabait siya at magandang katrabaho. Same goes to Kristoffer. Wala silang demands eh, at wala silang reklamo," shares Lucho in an interview on the set of Kahit Nasaan Ka Man.

Ano naman kaya ang mga dapat abangan ng televiewers sa nalalapit na pagtatapos ng show?

"Maganda 'yung eksenang mapapanood niyo rito. Kung kanino ba mapupunta si Pauline, kung kay John ba o kay Leandro. Kung ipaglalaban ko pa rin ba ang pagmamahal ko sa kanya or magpaparaya na ako. 'Yun ang dapat niyong abangan sa Kahit Nasaan Ka Man," he notes.

Tinanong din namin si Lucho kung bakit si John ang dapat piliin ni Pauline at hindi si Leandro. "Ako kasi mas pogi ako eh (laughs)! Tingin ko dahil mas matagal ko siyang kilala kasi kababata ko siya. Mas kilala ko talaga ang pagkatao niya. Dapat ako ang piliin niya kasi mas kilala ko siya, mas kilala niya ako. 'Yun lang naman 'yun eh, ang length of friendship."

A fourth year Speech Communication major in UP Diliman, Lucho is proud of his co-star Kristoffer's decision to go back to school. Kristoffer is now on his freshman year in San Beda College, taking up Entrepreneurship. "Masaya ako para sa kanya na mag-aaral siya ulit, kasi kailangan naman nating lahat 'yan, 'di ba? 'Yun nga lang dapat pagsabayin niya, kailangan pantay lang. Kailangan mong mag-aral, kailangan mong magtrabaho, kailangan mapagsabay niya 'yun. 'Yun ang advice ko sa kanya."

Dagdag pa niya, "Naba-balance ko naman [ang school and work]. Ever since naman 'yun ang ginagawa ko eh, dalawang araw lang 'yung school days, at 'yung window days 'yun 'yung time ko for taping."

Catch the finale of Kahit Nasaan Ka Man tonight, after 24 Oras on GMA Telebabad. For the latest news on Lucho and other Kapuso stars, visit GMANetwork.com. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com