TV

Eliana at Naja, paghihiwalayin na ba?


Noong nakaraang linggo, pinarusahan ng todo si Eliana sa mga kamay ni Professor Banal. Pinag-eeksperimentohan siya nito, at parang hayop ang trato sa kanya. Magbabago na kaya ang kapalaran ni Eliana?

Magkasamang nakakulong sina Eliana at Gabo sa laboratoryo ni Prof. Banal. Ilang beses sinubukang ipagtanggol ni Gabo si Eliana, ngunit hindi siya nagtagumpay. Pinahirapan lamang siya lalo ng mga tauhan ng doktor.

Si Eliana naman, dinala sa isang cage puno ng iba’t ibang klaseng reptiles para obserbahan ang kanyang pakikitungo sa mga hayop. Takot na takot si Eliana.

Ipinaalala naman ng assistant ni Prof. Banal na si Kate ang interview ng doktor para sa isang Science Journal. Wala siyang choice kundi iwanan si Eliana at sumunod sa schedule ng interview. Hindi niya alam na si Julian, an dating boyfriend ni Eliana, ang naatasan para mag-interview sa kanya.

Mapapahinto si Julian sa labas ng pinto kung saan naroroon si Eliana. Nakarinig kasi siya ng sipol. Papasok na sana siya pero pipigilan siya ni Kate. Idedeny ni Kate na may tao sa loob ng kuwartong iyon.

Samantala, patuloy ang pag-eeksperimento ni Prof. Banal kay Eliana. Nadiskubre niya na kapag pinaghalo ang venom ni Naja at ang dugo ni Eliana, makapagpapagaling ito ng malulubhang sakit. Hindi alam ng doktor na habang nag-eeksperimento siya ay bumubuo na ng plano si Gabo upang makatakas sila ni Eliana.

Nagpanggap si Eliana na nanghihina at nagkakaroon ng seizure. Ilalabas siya sa kulungan at makakatakbo siya upang pakawalan si Gabo. Kaya lang, makukuha na naman ng mga tao ni Prof. Banal si Eliana, habang si Gabo ay makakatakas.

Hinimatay si Gabo sa kalye at natagpuan siya ni Eman. Dinala siya nito sa ospital, at nang magising si Gabo, sinabi niya na kailangan nilang tulungan si Eliana dahil nanganganib ang kanyang buhay. Si Julian naman, nagpunta sa Snake Farm pero walang naabutan. Gusto din niya kasing kumustahin ang lagay ni Eliana.

Pinarusahan ng todo ni Prof. Banal si Eliana dahil sa pagtangka nitong tumakas. Nilublob ng maraming beses sa tubig ang mukha ni Eliana bago siya ikadena at ibalik muli sa kulungan.

Pagkatapos nito, minabuti ng doktor na operahan si Eliana upang paghiwlayin sila ni Naja. Gumawa na siya ng incision, pero humina ang heart rate nina Eliana at Naja. Nadismaya siya, at tinahi muli ang incision.

Itutuloy kaya ni Prof. Banal ang paghihiwalay kina Eliana at Naja? Maililigtas na ba nina Eman at Gabo si Eliana? Papaano nila maiisahan si Prof. Banal?

Huwag palampasin ang mga lalo pang tumitinding pangyayari sa Kakambal ni Eliana, pagkatapos ng Maghihintay Pa Rin sa GMA Afternoon Prime. -Text by Samantha Portillo, Photo by Bochic Estrada