TV

Marvin Agustin, nagbabalik Kapuso

By Jansen Ramos

Nagbabalik Kapuso ang '90s matinee idol na si Marvin Agustin.

Makakasama niya ang Kapuso love team nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali para sa bagong primetime series. Aniya, "Maganda nga 'yung project. Exciting 'yung role. So, something na masarap gawin."

Anim na taon na ang nakakalipas nang huli siyang gumawa ng teleserye sa Kapuso network. Nakasama niya sa telefantasyang 'Iglot' ang award-winning actress na si Claudine Barretto at ang dati niyang ka-love team na si Jolina Magdangal.

Bukod sa pag-aartista, busy rin si Marvin bilang chef at entrepreneur.

Panuorin ang buong report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras:

Video from GMA News

Photos by: marvinagustin(IG)