TV

Ex-Kapamilya Kyline Alcantara on first Kapuso role: 'Pinaghirapan'

By Jansen Ramos

Happy and overwhelmed ang dating Kapamilya teen star na si Kyline Alcantara sa mainit na pagtanggap sa kanya ng Kapuso network.


#KapusoNewbieAlert: Kyline Alcantara proves she's "La Nueva Kontrabida"

Hindi niya inakala na siya ang makukuha bilang kontrabida sa pinakabagong teleserye na Kambal, Karibal matapos siyang mag-audition para rito. Ito ang kanyang unang proyekto sa GMA.

Pag-amin niya, “Nagulat nga po ako. ‘Di ko po in-expect na makukuha po ako sa role na ‘to. Kasi triny ko lang naman po [mag-audition]. Nag-audition po ako, pinaghirapan ko po itong role na ito.”

Gagampanan ni Kyline ang karakter ni Cheska, ang ex-girlfriend ni Diego na gagampanan naman ni Miguel Tanfelix.

Ibinahagi rin niya na naging malapit kaagad siya kina Bianca Umali at Miguel Tanfelix dahil friendly at approachable ang mga ito.

Kuwento niya, “Nung storycon po honestly, hindi ko po alam kung ano igagalaw ko kasi siyempre po new faces. ‘Di ko po alam kung paano makihalubilo pero mabuti naman po at naging friendly po sila lalo na po si Miguel and si Bianca, inapproach po nila ko agad.”

Makakasama niya rin sa serye ang mga batikang artista tulad nina Ms. Gloria Romero, Christopher de Leon, Carmina Villarroel, Marvin Agustin at Jean Garcia. Pero kanina kaya siya pinakana-starstruck?

IN PHOTOS: Kambal, Karibal presscon

“Kay Tita Gloria Romero po [ako na-starstruck]. Parang wow siya, oh my gosh makaka-work ko ang isang batikang artista. Actually lahat naman po sila. Pero po dun po ako pinaka na-starstruck kay Tita Gloria Romero.”

Pinagsasabay ng teen actress ang pag-aaral at ang pag-aartista. Kasalukuyang Grade 8 siya sa Academy of Christian Excellence Montessori sa Cainta, Rizal.

Abangan si Kyline Alcantara gabi-gabi sa Kambal, Karibal pagkatapos ng Super Ma’am sa GMA Telebabad.