TV

EXCLUSIVE: Kyline Alcantara at Pauline Mendoza, masayang nakatrabaho ang ilang beteranong aktor sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Masuwerte ang mga teen actresses na sina Kyline Alcantara at Pauline Mendoza na makatrabaho ang ilang beteranong aktor sa industriya. Kahit na mga baguhan pa lang sila, nakikipagsabayan sila sa mga ito pagdating sa pag-arte sa primetime series na Kambal, Karibal. 

 

Kuwento ni Pauline sa isang eksklusibong panayam, marami na raw siyang natatanggap na hate tweets pero okey lang daw sa ito kanya dahil isa itong pruweba na nagagawa niya ng tama ang kanyang karakter bilang Crisel.

Saad niya, "Marami na ngang nagagalit sa'kin sa Twitter. May mga namba-bash na rin pero okay lang 'yun at least alam ko effective talaga 'yung ginagawa ko."

Dagdag pa niya, naa-appreciate daw nila ni Kyline ang papuring natatanggap nila mula sa kanilang co-stars gaya ni Marvin Agustin.

"Masaya siyempre kahit ka-work namin, sobrang proud nila sa'min. Nakakatuwa kasi na-appreciate nila 'yung mga ginawa namin. Sila mismo 'yung nakakita na ganito kami," bahagi ni Pauline.

Si Kyline, nami-miss pa ang mga dating cast members ng Kambal, Karibal na sina Gloria Romero at Christopher De Leon. "Nakaka-miss din 'yung mga seniors namin na sina Tita Gloria and Tito Christopher kasi kahit ganu'n 'yung age nila, they tried their best para makipag-communicate sa'ming mga millenials."

Ikinatuwa din ni Kyline ang pagiging sweet ni Jean Garcia. "Si Tita Jean, sobrang perky niya. Ang galing niya mag-PR and ang tawag niya sa'ming lahat is mahal," aniya.

Dahil sa twists na nagaganap sa kuwento ng serye, posible kaya itong magkaroon ng additional cast members? Sagot ni Kyline, "Mas lalaki pa po 'yung family namin sa Kambal, Karibal."