TV

WATCH: Miguel Tanfelix, na-challenge sa pagganap bilang Black Lady

By Jansen Ramos

Aminadong na-challenge si Miguel Tanfelix sa kanyang pagganap bilang Black Lady sa hit teleseryeng Kambal, Karibal kagabi, July 20.

Sa naturang episode, sumanib sa katawan ni Diego ang espiritu ni Black Lady (Roence Santos) para patuloy na sirain ang relasyon ng magkapatid na sina Crisan (Bianca Umali)  at Crisel (Pauline Mendoza).

 

 

Pinuri naman ng mga netizens si Miguel dahil kakaiba raw ang ipinakita nitong galing sa pag-arte.

 

 

Panoorin ang episode highlights ng Kambal, Karibal sa video na ito: