TV

Pagtakas ni Crisan kay Lola Anicia sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Nagpatulong si Crisan (Bianca Umali) kina Makoy (Jeric Gonzales) at Diego (Miguel Tanfelix) na maitakas si Lola Anicia (Gloria Romero) sa kanilang bahay para mailayo sa panganib na dulot ni Crisel (Pauline Mendoza/Kyline Alcantara).

Umaayon na sa plano ang pagtakas nila sa matanda ngunit nakatunog si Crisel dahil sa pagiging aligaga ni Makoy.

Hinabol ni Crisel sina Crisan at Lola Anicia na lulan ng taxi ngunit hindi siya nagtagumpay. Kaya naman naisip niyang puntahan ang lugar kung saan nakatira si Diego dahil naniniwala siyang dito maaaring dalhin ng kanyang kakambal ang matanda.

Balikan ang eksenang 'yan sa episode 66 ng Kambal, Karibal:


Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.