TV

Gabi ng galit at selosan sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Sa pagdiriwang ng University Ball, nagulat ang lahat sa taglay na ganda ni Crisan (Bianca Umali) na siyang ikinagalit ni Crisel (Pauline Mendoza/Kyline Alcantara).

Nabighani si Diego (Miguel Tanfelix) sa kanya kaya naman pinagselosan ni Crisel ang kanyang kakambal.

Si Crisel ang date ni Diego pero ang atensyon niya ay nakatuon lamang kay Crisan.

Kahit walang ginagawang masama, si Crisan pa rin ang nagpakumbaba at gumawa ng paraan para magkaayos sila ng kanyang kapatid.

Balikan ang eksenang 'yan sa episode 72 ng Kambal, Karibal:

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.