Kambal na bihag ni Raymond sa 'Kambal, Karibal'
Sa Episode 85 ng Kambal, Karibal, pinuwersa ni Raymond (Marvin Agustin) sina Crisan (Bianca Umali) at Crisel (Pauline Mendoza) na sumama sa kanya sa tulong ni Teresa (Jean Garcia).
Ginawa ito ng una dahil desperado na siyang makuha muli ang tiwala ni Geraldine (Carmina Villarroel).
Sasama kaya si Geraldine sa kanyang dating asawa para sa kaligtasan ng kanyang mga anak?
Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.
Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.
Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.