TV

Pagkitil ni Raymond sa buhay ni Crisel sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Sa episode 120 ng Kambal, Karibal, nakorner nina Raymond (Marvin Agustin) at Teresa (Jean Garcia) ang sasakyang lulan ng mag-iinang sina Geraldine (Carmina Villarroel), Crisan (Bianca Umali), at Crisel (Pauline Mendoza).

Pinababa nina Raymond at Teresa sina Geraldine at Crisan at tinakot na papatayin.

Iniligtas naman ni Crisel ang kanyang pamilya at walang pag-aalinlangang inalay ang kanyang buhay.

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.