TV

Pagpapatakas ni Teresa kina Crisan at Crisel sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Sa episode 87 ng Kambal, Karibal, hindi lubos akalain nina Crisan (Bianca Umali) at Crisel (Pauline Mendoza) na si Teresa (Jean Garcia) pa ang tutulong sa kanila para matakasan si Raymond (Marvin Agustin).

Kahit magkasabwat, nilito ni Teresa si Raymond kung saan nagpunta ang magkapatid.

Humingi na rin ng tawad si Teresa kay Crisan dahil sa pagmamalupit niya noon sa dalaga.

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.