TV

Bagong buhay at wangis ni Crisan sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Sa episode 91 ng Kambal, Karibal, nalaman ni Crisan (Bianca Umali) na pinaghahahanap siya ng mga pulis kaugnay ng mga kasong nabanggit ni Crisel (Pauline Mendoza) laban sa kanya.

Sa muling pagbabalik niya sa siyudad, napilitan siyang magtago para hindi mahuli sa krimeng hindi naman niya ginawa.

Buti na lang ay nakita ni Crisan ang kanyang mga kaibigang sina Nori (Chesca Salcedo) at Makoy (Jeric Gonzales) para tulungan siya.

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.