TV

Langit ni Crisel, impyerno ni Crisan sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Sa episode 92 ng Kambal, Karibal, habang masayang namumuhay si Crisel (Pauline Mendoza) sa poder nina Geraldine (Carmina Villarroel) at Allan (Alfred Vargas), patuloy naman ang pagtatago ni Crisan (Bianca Umali) sa tulong ni Nori (Chesca Salcedo).

Kahit naging maingat, hindi pa rin nakaligtas si Crisan mula sa panghuhusga.

Isuplong kaya siya sa pulis ng dorm mate ni Nori matapos siyang makita nito?

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.