TV

Pagtatago ni Crisan mula kay Crisel sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Sa episode 101 ng Kambal, Karibal, muling nagtagpo ang landas nina Crisan (Bianca Umali) at Crisel (Pauline Mendoza) sa birthday party ni Darren (Jake Vargas) sa mansyon.

Ipinaalam kaagad ni Crisel kay Geradline na nakita niya si Crisan, na nasa katawan ni Cheska (Kyline Alcantara), at pinilit ang kanyang inang ipahuli ito sa mga pulis.

Sundin kaya ni Geraldine ang utos ni Crisel?

Muling ipinalalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.