TV

Pagpapalayas ni Valerie kay Crisan sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Sa episode 108 ng Kambal, Karibal, sapilitang pinalayas ni Valerie (Maricar De Mesa) si Crisan (Bianca Umali) sa kanyang tahanan para mapigilan ang paglapit ng dalaga sa anak ng una na si Darren (Jake Vargas).

Samantala, nasangkot sa isang malagim na aksidente sina Geraldine (Carmina Villarroel) at Allan (Alfred Vargas) nang mawalan ng preno ang sasakyang lulan nila.

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.