TV

Pananakot ni Black Lady kay Crisel sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Sa episode 122 ng Kambal, Karibal, tuluyan nang natuldukan ang maliligayang araw ni Crisel (Pauline Mendoza) matapos siyang traydorin ni Black Lady (Roence Santos) at ibalik ang kaluluwa ni Cheska (Kyline Alcantara) sa sarili nitong katawan.

Hindi nagpasindak si Crisel sa masamang espiritu at napagdesisyunan nang sumunod sa liwanag kasama ang kanyang pumanaw na ama-amahang si Noli (Gardo Versoza).

Gayunpaman, napigilan siya ni Black Lady nang dahil sa lakas ng pwersa ng kapangyarihan nito.

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.