TV

Paghihiganti ni Crisan kay Raymond sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Sa episode 130 ng Kambal, Karibal, pumunta si Raymond (Marvin Agustin) sa libing ni Makoy (Jeric Gonzales) para manggulo kina Crisan (Bianca Umali) at Cheska (Kyline Alcantara).

Natakasan ng dalawa si Raymond ngunit nakuhang lumaban ni Crisan at nakipag-agawan ng baril sa kriminal para iganti ang kanyang Parekoy.

Magawa niya kayang tapusin ang buhay ni Raymond?


Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.


Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang aired full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.

Ang Kambal, Karibal ay pinagbibidahan nina Bianca Umali, Pauline Mendoza, Miguel Tanfelix, at Kyline Alcantara.

Gabi-gabi namang kinagigiliwan ang pagganap ng mga batikang aktor na sina Carmina Villarroel, Jean Garcia, Christopher De Leon, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Gardo Versoza, at Ms. Gloria Romero.

Tampok din sa Kambal, Karibal sina Jeric Gonzales, Chesca Salcedo, Rafa Siguion-Reyna, Eliza Pineda, Sheree, Miggs Cuaderno, at Raquel Monteza.