Makapanindig-balahibong kapangyarihan ni Black Lady sa 'Kambal, Karibal'
Sa episode 135 ng Kambal, Karibal, ipinaramdam ni Black Lady (Roence Santos) ang kanyang kapangyarihan para pagbantaan si Cheska (Kyline Alcantara) sa oras na suwayin nito ang mga iniuutos niya.
Nanggulo ang masamang espiritu sa party nina Geraldine (Carmina VIllarroel) at Allan (Alfred Vargas), na inakala nilang malakas na lindol, para matakot ang dalaga.
Samantala, ipinaramdam din ni Black Lady ang kanyang kasamaan kay Nori (Chesca Salcedo) at pinatikim ang impyerno para hindi nito ibunyag ang sikreto ni Cheska.
Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.
Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.
Samantala, maaaring mapanood ang aired full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.
Ang Kambal, Karibal ay pinagbibidahan nina Bianca Umali, Pauline Mendoza, Miguel Tanfelix, at Kyline Alcantara.
Tampok din dito ang mga batikang aktor na sina Carmina Villarroel, Jean Garcia, Christopher De Leon, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Gardo Versoza, at Ms. Gloria Romero.
Kabilang din sa supporting cast ng Kambal, Karibal sina Jeric Gonzales, Chesca Salcedo, Rafa Siguion-Reyna, Eliza Pineda, Sheree, Miggs Cuaderno, at Raquel Monteza