TV

Rebelasyon ni Xander sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Sa episode 139 ng Kambal, Karibal, ibinunyag ng paranormal expert na si Xander (Kevin Santos) kay Crisan (Bianca Umali) ang tunay na pagkatao ni Cheska (Kyline Alcantara).

Sinabi ng una na hindi na ang kaluluwa ni Crisel (Pauline Mendoza) ang nakasanib sa katawan ni Cheska dahil nakabalik na ang huli sa sarili nitong katawan.

Pinaghihinalaan din ni Diego (Miguel Tanfelix) ang katauhan ng dalaga nang marinig niyang may kausap ito sa banyo.

Paniwalaan kaya ni Crisan sina Xander at Diego?


Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang aired full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.

Ang Kambal, Karibal ay pinagbibidahan nina Bianca Umali, Pauline Mendoza, Miguel Tanfelix, at Kyline Alcantara.

Tampok din dito ang mga batikang aktor na sina Carmina Villarroel, Jean Garcia, Christopher De Leon, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Gardo Versoza, at Ms. Gloria Romero.

Kabilang din sa supporting cast ng Kambal, Karibal sina Jeric Gonzales, Chesca Salcedo, Rafa Siguion-Reyna, Eliza Pineda, Sheree, Miggs Cuaderno, at Raquel Monteza.