TV

Pagtawag sa kaluluwa ni Cheska sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Sa episode 150 ng Kambal, Karibal, ramdam ni Maricar (Sunshine Dizon) ang malakas na presensya ni Cheska (Kyline Alcantara) kaya't dumulog siya sa isang eksperto upang makausap ang kaluluwa ng kanyang anak.

Samantala, patuloy ang panggugulo ni Cheska kay Crisel (Pauline Mendoza) para ibalik nito sa kanya ang kayang sariling katawan sa kagustuhang makasama ang tunay na ina.


Ang muling pagpapalabas ng Kambal, Karibal ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.


Patuloy na subaybayan ang hit 2017-18 series Lunes hanggang Biyernes sa bago nitong oras na 10:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang aired full episodes ng Kambal, Karibal at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.

Ang Kambal, Karibal ay pinagbibidahan nina Bianca Umali, Pauline Mendoza, Miguel Tanfelix, at Kyline Alcantara.

Tampok din dito ang mga batikang aktor na sina Carmina Villarroel, Jean Garcia, Christopher De Leon, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Gardo Versoza, at Ms. Gloria Romero.

Kabilang din sa supporting cast ng programa sina Jeric Gonzales, Chesca Salcedo, Rafa Siguion-Reyna, Eliza Pineda, Sheree, Miggs Cuaderno, at Raquel Monteza.