TV

Muling pagkikita nina Crisan at Deigo sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Sa episode 155 ng Kambal, Karibal, tila itinadhana ang muling pagkikita nina Crisan (Bianca Umali) at Diego (Miguel Tanfelix) matapos sagipin ng dalaga ang isang bata habang tumatawid ito sa kalsada.

Kaya naman nanumbalik ang pagseselos at hinanakit ni Crisel (Pauline Mendoza), na nasa katawan ni Cheska (Kyline Alcantara), sa kanyang kakambal dahil napapalapit na naman ang loob nito sa binata.

Tila nagsumbong si Crisel sa kanilang mga magulang dahil pinag-iingat sila para walang makaalam ng kanilang lokasyon.

Gayunpaman, tiwala naman sina Geraldine (Carmina Villarroel) at Allan (Alfred Vargas) na hindi ipapahamak ni Diego ang kanilang pamilya.

Panoorin ang mga eksena iyan sa video sa itaas. Kapag hindi ito naglo-load nang maayos, maaaring mapanood ang episode DITO.

Ang muling pagpapalabas ng Kambal, Karibal ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017-18 series Lunes hanggang Biyernes, 10:00 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang aired full episodes ng Kambal, Karibal at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.

Ang Kambal, Karibal ay pinagbibidahan nina Bianca Umali, Pauline Mendoza, Miguel Tanfelix, at Kyline Alcantara.

Tampok din dito ang mga batikang aktor na sina Carmina Villarroel, Jean Garcia, Christopher De Leon, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Gardo Versoza, at Ms. Gloria Romero.

Kabilang din sa supporting cast ng programa sina Jeric Gonzales, Chesca Salcedo, Rafa Siguion-Reyna, Eliza Pineda, Sheree, Miggs Cuaderno, at Raquel Monteza.