TV

Pagtakas ni Crisel kay Maricar sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Sa episode 156 ng Kambal, Karibal, sinira ni Maricar (Sunshine Dizon) ang kasal nina Geraldine (Carmina Villarroel) at Allan (Alfred Vargas) matapos niyang matunton ang lokasyon ng mag-asawa kasama ang mga pulis.

Sapilitang binawi ni Maricar si Crisel (Pauline Mendoza), na nasa katawan ni Cheska (Kyline Alcantara), ngunit sinubukan nitong tumakas.

Labis na naawa si Crisan sa kanilang inang si Geraldine kaya nakiusap siya sa kanyang kakambal na sumama na kay Maricar.

Hindi pumayag ang matigas na si Crisel kaya naman si Diego ang sumubok na kumausap sa kanya.

Panoorin ang mga eksena iyan sa video sa itaas. Kapag hindi ito naglo-load nang maayos, maaaring mapanood ang episode DITO.

Ang muling pagpapalabas ng Kambal, Karibal ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017-18 series Lunes hanggang Biyernes, 10:00 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang aired full episodes ng Kambal, Karibal at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.

Ang Kambal, Karibal ay pinagbibidahan nina Bianca Umali, Pauline Mendoza, Miguel Tanfelix, at Kyline Alcantara.

Tampok din dito ang mga batikang aktor na sina Carmina Villarroel, Jean Garcia, Christopher De Leon, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Gardo Versoza, at Ms. Gloria Romero.

Kabilang din sa supporting cast ng programa sina Jeric Gonzales, Chesca Salcedo, Rafa Siguion-Reyna, Eliza Pineda, Sheree, Miggs Cuaderno, at Raquel Monteza.