TV

Ang katapusan ni Black Lady sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Sa finale episode ng Kambal, Karibal, nagpanggap na matandang pasahero ng eroplano si Raymond (Marvin Agustin) upang pagbantaan ang pamilya nina Geraldine (Carmina Villarroel) at Allan (Alfred Vargas).

Nauwi sa barilan ang alitan ng dating mag-asawang sina Geraldine at Raymond at si Crisel (Pauline Mendoza), na nasa katawan ni Cheska (Kyline Alcantara) ang napatay ng kriminal.

Sa burol ni Crisel, naghasik ng lagim si Black Lady (Roence Santos) at pinuntirya si Crisan (Bianca Umali). Nagapi naman kaagad si Black Lady nang isigaw ni Diego (Miguel Tanfelix) ang tunay na pangalan ng masamang espiritu.

Panoorin ang mga eksenang iyan sa video sa itaas. Kapag hindi ito naglo-load nang maayos, maaaring mapanood ang episode highlights DITO.

Ang muling pagpapalabas ng Kambal, Karibal ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.
Maaaring mapanood ang aired full episodes ng serye at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.

Ang Kambal, Karibal ay pinagbidahan nina Bianca Umali, Pauline Mendoza, Miguel Tanfelix, at Kyline Alcantara.

Tampok din dito ang mga batikang aktor na sina Carmina Villarroel, Jean Garcia, Christopher De Leon, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Gardo Versoza, at Ms. Gloria Romero.

Kabilang din sa supporting cast ng programa sina Jeric Gonzales, Chesca Salcedo, Rafa Siguion-Reyna, Eliza Pineda, Sheree, Miggs Cuaderno, at Raquel Monteza.