TV

Alamin ang mga bagong kuwento nina Louise delos Reyes at Mike Tan ngayong March 25 sa GMANetwork.com Live Chat


Siguradong magiging masaya ang inyong Martes ng hapon dahil makakausap ninyo ng live ang mga Kapuso artists na sina Louise delos Reyes at Mike Tan. Simula 1:00 P.M. -3:00 P.M., makikigulo, makikitawa, at makikipagkwentuhan sina Louise at Mike sa kanilang mga fans online.

Sina Louise at Mike ay napapanood sa pinakabagong serye sa GMA Telebabad, ang Kambal Sirena. Si Louise ay gumaganap bilang magkapatid na Alona at Perlas habang si Mike naman ay ang nagbibigay buhay sa karakter ni Jun.

Si Louise ay nagpamalas ng husay sa pag-arte simula nang magsimula sya sa showbiz noong 2001. Napanood siya sa mga shows tulad ng Maynila, Spooky Nights, Wagas, at My Beloved. 'Di nagtagal nakuha ni Louise ang mga lead roles sa shows na Alakdana, One True Love at Mundo Mo'y Akin kung saan nakapareha niya si Alden Richards.

Si Mike naman ay nagsimula ng kanyang showbiz career nang siya ay sumali sa StarStruck Season 2. Nagkaroon siya ng iba’t-ibang shows kung saan naipamalas niya ang kanyang husay sa pag-arte. Sugo, Captain Barbell, Rosalinda, Mga Basang Sisiw, at Genesis ay ilan lamang sa mga proyektong kinasalihan ni Mike.

Ano nga ba ang bagong pinagkakaabalahan ng dalawa? Ano ang mga plano nila ngayong summer, at kamusta ang kanilang working relationship sa Kambal Sirena? Alamin ang mga bagong kwento sa buhay nina Louise at Mike ngayong Martes, 1:00 P.M. to 3:00 P.M. (Philippine Time). Mag-log on lamang sa GMANetwork/livechat para makasali sa exclusive event na ito. 

-Text by Maine Aquino, GMANetwork.com