TV

What you’ve missed from Louise delos Reyes and Mike Tan’s live chat


Muling nagbalik ang regular chatters ng GMA Network live chat na sina Louise delos Reyes at Mike Tan. Ito ang unang pagsasama sa live chat nila Louise at Mike at nagkaroon sila muli ng pagkakataong sagutin ang sari-saring mga tanong ng kanilang mga fans.

Excited na sinagot ni Louise ang kanyang Kambal Sirena experience bilang Alona at Perlas, habang si Mike naman ay nagkaroon ng pagkakataon na sagutin ang kanyang mga experiences tungkol sa kanyang mga paboritong bagay at summer plans.

Para sa mga naka-miss sa live chat nina Louise at Mike, below is their chat transcript:

cherry012: hi mike ano po brand ng pabango mo?
miketan: kenneth cole reaction

LexShBie : Mike: Favorite color, food, pet? :)
miketan: red, food: a lot, dog.

Junikeeeyk26 : CCF ka po ba umaattend?
miketan: yes umaattend po ako.

Elle_24: Ano po Favorite Color Mo ?
louisedelosreyes: black :)

winkz2487 : Sino ang close friends mo sa GMA?
miketan: mark, kevin, and bubuy (rainier)

LexShBie: Mike! Ano pong madalas niyong gawin kapag wala kayong taping? :)
miketan: madalas kong gawin ay swimming at gym!

LexShBie: Hi Louise! Anong ginagawa mo sa taping kapag breaktime/pahinga niyo? :)
louisedelosreyes: matulog :)

lara0822: Anong pong plans niyo sa summer at holy week? May balak ba kayo mag-out of town?
miketan: wala naman so far. baka boracay dahil sa gma. :)

lara0822: Hi Mike, qualities ng ideal girl mo? Meron ba nito si Louise?
miketan: yes! what you see is what you get!

Elle_24: Describe Louise In 5 Words
miketan: magaling, propesyonal, mabait at maganda. 4 words na lang muna ha. :)

kapuso.Julie: Shout-out naman dyan! @ohohjulie here.
miketan: shout_out!!!

Kung na-miss ninyo ang masyang kuwentuhan na ito, maaari ninyong mapanood ito muli sa Live Chat Rewind, soon on GMANetwork.com

Samantala, abangan sina Louise delos Reyes at Mike Tan sa kaabang-abang na sirenaserye na Kambal Sirena, Monday to Friday pagkatapos ng 24 Oras.

-Text by Maine Aquino, Photos by Bochic Estrada, GMANetwork.com