TV

Aljur Abrenica and his love for sea creatures


Gumaganap bilang vice president ng isang water park ang Kapuso hunk na si Aljur Abrenica sa sirenaseryeng Kambal Sirena. Minsan nga lang ay napagkakamalan siyang empleyado dahil very hands-on ang character niyang si Kevin sa pag-aalaga at pagte-train ng mga hayop tulad ng dolphins.

Tulad ni Kevin, malapit din ang puso ni Aljur sa water creatures, kaya naman malaki ang pasasalamat niyang mapabilang sa teleseryeng pinagtatambalan nila ni Louise delos Reyes.

"I'm so thankful because I had the chance na makahalubilo ang mga sea creatures, 'yung mga dolphins, false whale shark. Grabe, hindi lahat nabibigyan ng chance o privilege na makasalamuha ang mga 'yun eh. Tapos sa akin, for free, tapos anytime puwede ko silang makasama," kuwento ni Aljur nang aming bisitahin ang kanilang set sa Morong, Bataan.

Dagdag pa niya, " Ang mga trainors naging kaibigan ko na. 'Yung behaviors nila, may nalalaman na ako. Sobrang thankful lang ako sa GMA for this opportunity, kay Lord na at this point of my life ay binigay sa akin ang Kambal Sirena."

Inusisa din namin kung ano ang mga plano niya this summer. Aniya, wala daw siyang plano dahil parang nasa bakasyon na rin siya gawa ng nasa beach naman madalas ang location ng Kambal Sirena.

"Kapag nagte-taping kami ng Kambal Sirena, lagi naman kaming nasa beach. Tapos may mga bago akong biniling gadgets, abangan niyo sa IG (Instagram) may mga ipo-post ako."

"Wala na akong plano, ang ginagawa ko na lang ay sinasama ko ang family ko sa taping. Tapos mag-snorkeling na sila, mag-jetski, ang daming puwedeng gawin. Hindi naman na-frustrate ang family ko na hindi na ako makakasama sa summer vacation, sila na lang ang isasama ko."

Catch Aljur Abrenica as Kevin in Kambal Sirena, weeknights after 24 Oras, on GMA Telebabad. For updates on Aljur and other Kapuso stars, visit GMANetwork.com. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com