TV

Gladys Reyes on Wyn Marquez: “She's a very promising kontrabida”


Nakilala bilang magaling na kontrabida si Gladys Reyes. Para sa aktres, hinahangaan niya ang husay sa pag-arte ang isa pang kontrabida sa Kambal Sirena na si Wyn Marquez.

“Si Wyn, she's a very promising kontrabida. Natutuwa ako sa kanya. Nakakatuwa kasi parang naaalala ko nung nagkokontrabida ako noon na third party ka lagi,” pahayag ni Gladys.

Si Wyn ay gumaganap bilang Macy, ang dating kasintahan ni Kevin (Aljur Abrenica). Gagawin niya ang lahat para sirain ang buhay ni Alona (Louise delos Reyes) dahil sa paniniwalang inagaw niya si Kevin.

Dagdag ni Gladys, masaya siya sa career path ni Wyn. “happy ako na may mga batang katulad ni Wyn na hindi takot magkontrabida”.

“Ibig kong sabihin, ngayon mas agresibo na ang mga artista natin. Ang mga bata nating artista sinusubukan 'yung iba't-ibang mga bagong roles,” dagdag ng aktres.

Ginagampanan ni Gladys ang character ni Barracuda, ang sirenang magdadala ng panganib sa Sirenadia.

Sa dami umano ng nagampanan ni Gladys na kontrabida roles, ito ang kanyang first time na gumanap sa isang fantasy-drama. Aniya, “siyempre ako 'yung ingat na ingay, na pati 'yung boses ko iba, 'yung parang na-inspire ako kay Maleficent (character sa Disney animated film na Sleeping Beauty)”.

“Yung costume ko kasi pinaghandaan at ginastusan talaga ng GMA kaya ayoko sayangin. Kailangan ibang-iba. Kahit kontrabida, mayroong pambata o fantasy,” dagdag ng aktres.

Patuloy na subaybayan si Gladys Reyes sa Kambal Sirena, Monday to Friday pagkatapos ng 24 Oras.

Para sa iba pang updates mula kay Gladys Reyes at iba pang Kapuso artists, patuloy na mag-log on sa www.gmanetwork.com

-Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com