TV

Sunshine Cruz, excited na makatrabaho ang kapwa balik-Kapuso na si Bing Loyzaga 

By Aedrianne Acar

Isa na namang bagong soap ang tiyak na aabangan sa GMA-7 at pagbibidahan ito ng ilan sa mga kilala at talented na stars sa showbiz.

EXCLUSIVE: Sunshine Cruz returns to GMA-7 via 'Karibal Ko Ang Aking Ina'

Pormal nang ipinakilala kahapon, April 11, ang cast ng Kapag Nahati Ang Puso sa story conference na dinaos sa GMA Network compound.

Makakasama sa naturang serye sina Bea Binene, Benjamin Alves at David Licauco. Kabilang din sa show ang versatile actor na si Zoren Legaspi at pati ang mga nagbabalik Kapuso na sina Sunshine Cruz at Bing Loyzaga.

Sa Instagram story ni Sunshine makikita na looking forward ito na makasama si Bing sa Kapag Nahati Ang Puso.


#BuongPusongNanalig: 57 Kapamilya celebs na buong pusong Kapuso ngayon

Kapuso baby si Sunshine Cruz na naging parte ng That’s Entertainment at ng longest-running gag show na Bubble Gang.

Last project naman ni Bing Loyzaga sa GMA-7 ang Paano Ba Ang Mangarap? noong 2009, kung saan gumanap siya bilang si Doña Francia Valderama.