TV

READ: Bea Binene, ready na mag-bed scene?

By Bianca Geli

Mas mature na karakter daw ang mapapanood kay Bea Binene sa Kapag Nahati Ang Puso kung saan gumaganap si Bea bilang Claire. Makakasama niya rito sina Sunshine Cruz, Zoren Legaspi, Bing Loyzaga, Benjamin Alves at David Licauco.


Aniya, “Hindi naman po puwedeng forever kang pa-tweetums, kailangan talaga nag-e-evolve ‘yung mga roles mo. That’s why I’m thankful, at the same time I’m very willing to take on this challenge, siyempre gusto ko rin ng iba po para sa mga viewers and I hope ma-portray ko po siya ng maayos, because it’s challenging.”

Handa na kaya siyang sumabak sa mas daring na roles tulad ng bed scene?

Paliwanag ni Bea, “Ang pagiging mature naman or ang pag-e-evolve hindi lang naman porket may bed scene ka. It’s team work, it’s with the story, with everyone. I think magtutulong po ‘yun. Hindi ko pa po alam kasi hindi pa po namin nababasa ‘yung script kung hanggang saan.”

Aminado rin si Bea na may pressure siyang nadarama dahil sa mga bigating artista na kasama niya sa naturang morning soap. “Ang preparations po na ginawa namin, nakipag-workshop ako with David and then siyempre nag-aral po talaga sa script. Hinimay himay ‘yung bawat characters with Direk Gil.”

Dagdag niya, “Pero with the guidance naman po of Direk Gil, alam ko naman po na hindi kami pababayaan.”