TV

WATCH: Bea Binene at Lianne Valentin, bakit nagka-initan?

By Jansen Ramos

Sa September 6 episode ng Kapag Nahati Ang Puso, napilitang saktan ni Ginger (Lianne Valentin) si Claire (Bea Binene) para mapaniwala niyang kakampi siya ni Rio (Sunshine Cruz).

Hanggang sa pre-wedding party nina Bernice (Kelley Day) at Hamish (Addy Raj) ay patuloy ang kanyang pagpapanggap. Vinideohan pa niya sina Rio at Joaquin (Benjamin Alves) na nagsasayaw para ipakita kay Miranda (Bing Loyzaga).