TV

Barbie Forteza, may balak bang i-prank si Jak Roberto sa kanyang vlog?

By Felix Ilaya

Madalas nabibiktima ni Jak Roberto ang kanyang girlfriend na si Barbie Forteza sa pranks na napapanood natin sa kanyang YouTube channel.

Sa amin namang Kapuso Showbiz News interview with Barbie, inamin ng aktres na hindi lang naman daw si Jak ang palaging nampa-prank. Ilang beses na rin naman daw niyang nabiktima si Jak off-cam.

"Nako, well 'yung unang prank niya, 'yung very first prank niya sa'kin para sa'kin 'di siya nagka-count kasi na-counter prank ko siya.

"'Yung channel ko, hindi ko rin naman content talaga ang prank, kumbaga it's not me. Content ni Jak 'yon, ang gusto ko mas personal 'yung vlog ko, 'yung [gusto] kong ipakita sa mga tao.

"Pero 'yung mga prank off-cam? Ay napakadami kong prank sa kanya. No need to vlog, andaming beses na [laughs]," kuwento niya.

Speaking of vlogs, kamakailan lang ay na-achieve ni Barbie ang YouTube milestone na magkaroon ng 1M subscribers na labis niyang ikinatuwa. Ayon sa kanya, masaya siya na maraming tao ang napapangiti sa kanyang vlogs. Sa kanyang vlogs na rin na ipapakita ni Barbie kung sino talaga siya sa likod ng camera.

Kasalukuyang naka-lock in taping si Barbie kasama ang castmates niya sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday para sa nalalapit nilang pagbabalik telebisyon.

#JakBie: Barbie Forteza and Jak Roberto's sweetest photos