TV

'First Lady,' 'Bolera,' at 'Love You Stranger,' mapapanood na rin sa YouTube at Facebook!

By Aaron Brennt Eusebio

Mas marami nang makakapanood ng well-loved GMA Telebabad series na First Lady, Bolera, at Love You Stranger dahil simula mamaya, June 20, mapapanood na rin ito sa Facebook account, YouTube channel at sa GMA Network website!

Sa huling dalawang linggo ng top-rating series na First Lady, timeout muna sa stress dahil magpapasaya ang mga kasambahay ng palasyon sa pangunguna nina Pepita (Kakai Bautista) at Norma (Cai Cortez).

Sa Bolera, naghahanda na si Joni (Kylie Padilla) na sumali sa isang billiards tournament.

Samantala, sa Love You Stranger, paunti-unti nang napagtatanto nina LJ (Gabbi Garcia) at Ben (Khalil Ramos) ang kanilang nakaraan sa Sta. Castela.

Huwag palampasin ang paganda ng pagandang kuwento ng First Lady, Bolera, at Love You Stranger sa Facebook page, YouTube channel at GMA Network website!

Kung hindi niyo pa rin napanood ang mga show na iyan, available ang full catch-up episodes nito sa GMANetwork.com at sa GMA Network App.