TV

WATCH: Max Collins, ibinahagi kung gaano ka-sweet si Pancho Magno

By Aedrianne Acar

Priceless ang reaksyon ng Kapuso Artists of the Month for November na sina Max Collins at Pancho Magno nang makita nila ang throwback photos ni Max.

WATCH: Why did Max Collins choose to wear pink shoes on her wedding day?

WATCH: Max Collins shares her memorable Busan International Film Festival OOTD

Napuno ng tawanan at kulitan ang web exclusive video ng dalawa, lalo na at binalikan nila ang ilang highlights sa career ni Max.

Isa na dito ay nung makita nila ang selfie ng Kapuso actress bilang si Esper sa afternoon soap na Innamorata.

Kuwento pa GMA Artist Center beauty, sobrang sweet si Pancho bilang manliligaw.

Wika niya, “Dati hinahalikan pa niya ako na naka-prosthetics 'di ba! So sweet back then. Kahit pangit ka, kung mamahalin ka pa rin, that's true love.”

Siguradong mapapa-throwback kayo sa exclusive webisode na ito sa Kapuso Web Specials!