TV

EXCLUSIVE: Mavy at Cassy Legaspi, ano ang gagawin kapag may kaibigang manliligaw sa kapatid?

By Cherry Sun

Tila na-hot seat ang Legaspi twins na sina Mavy at Cassy sa exclusive interview ng GMANetwork.com.

Tampok ang kambal sa Kapuso Web Specials na 'Mavy and Cassy answer the hardest 'What If' questions. Hypothetical man dapat ang mga tanong, naka-relate daw sila rito.

Ano nga ba ang kanilang gagawin kung mayroon silang kaibigan na nagkagusto sa kanilang kapatid?

Pag-amin ni Cassy, “Actually that has happened a lot of times. I can't do anything. Wala, okay lang. It's okay, like whatever you want I don't mind. Just don't forget I'm your best friend.”

Inasar naman muna ni Mavy ang kanyang kakambal bago magbigay ng kanyang seryosong sagot.

Aniya, “I'm not the type to shut down people who are interested in Cassy but at the same time, protective din ako. But before they reach me, I know they have to go through my dad so 'yun.

“If one of my best friends went through me to ask if pwede sila manligaw kay Cassy or they like Cassy, then I'll just laugh. That's my number one [reaction], I'll just laugh. I'll just tell them do whatever and just good luck”

Ano naman kaya ang kanilang gagawin kung isa sa kanilang ang may napupusuan sa mga kaibigan ng kanilang kapatid?

Panoorin dito:

)

Maliban sa pagsagot ng “hardest what if questions,” nagbukingan din sina Mavy at Cassy sa kanilang isa pang exclusive video.

ALSO WATCH: Mavy Legaspi and Cassy Legaspi share tips on dealing with stress during quarantine

Mavy and Cassy Legaspi's adorable baby video