TV

Barbie Forteza and Mika dela Cruz react to viral 'Kara Mia' memes

By Bianca Geli

Kabilang din ang Kara Mia stars na sina Barbie Forteza at Mika dela Cruz sa mga naaliw sa trending memes tungkol sa kanilang mga karakter na dalawa ang mukha pero iisa ang katawan.

Barbie Forteza and Mika dela Cruz

Ani ni Mika, “Gusto ko kasi maging komedyante, so natutuwa ako na natatawa sila sa akin.

“Natatawa po ako, e. Nung una kasi parang nabibigla sila sa [itsura] naming sa Kara Mia, pero at the same time dahil dun naiintriga sila na panoorin.”

The funniest 'Kara Mia' memes

Masaya raw sina Mika at Barbie na inaabangan na ang kanilang bagong GMA Telelebabad drama.

“Nakakatuwa dahil ngayon, inaabangan na nila 'yung Kara Mia. Nung una hindi nila maintindihan kung bakit ganun [yung itsura] at natatakot lang sila. Pero ngayon yun na yung dahilan kung bakit gusto nilang manood, so nakakatuwa.”

Aniya, “Nakakaaliw siya, actually, ang tataba ng utak ng mga Pinoy talaga.”

Dagdag naman ni Barbie, “Hindi ko alam na naging ganun na kami ka-influential ng hindi pa kami umeere. Nakakatuwa lang kasi ang ingay na agad ng Kara Mia kahit bago pa kami umere.”

Mapapanood ang Kara Mia ngayong Pebrero sa GMA Telebabad.

LOOK: Mika dela Cruz reacts to 'Kara Mia' memes