
Sa wakas ay binigyang-linaw na ng Kara Mia creative team ang mga usap-usapan tungkol sa kontrobersyal na roles nina Barbie Forteza at Mika Dela Cruz.
Hindi pangkaraniwan ang mga karakter na bibigyang-buhay nina Barbie at Mika sa Kapuso teleserye dahil gaganap sila bilang kambal na naghahati sa iisang katawan.
Barbie Forteza and Mika dela Cruz answer questions about their character for 'KaraMia'
Kaya naman sa media conference ng upcoming GMA Telebabad soap, tinanong ng press sa creative team ng show kung may totoong kaso ba ng Kara Mia.
Sinagot ito mismo ng head writer na si Des Garbes Severino.
Ayon kay Des, wala raw local case ngunit may nahanap sila abroad.
"Yung case po abroad, 'yung isa, the one in India, namatay po 'yung bata. 'Yun naman pong sa England is considered until now an urban legend so nobody knows if he was a real person or not.
"Ang gamit lang naman po namin doon sa actual cases is parang basis lang, maging inspiration lang for what we are doing.
"Kasi, 'yung version naman po natin is very localized, based on local folklore, 'yung old beliefs, 'yung mga engkantado.
"So kumbaga, hinalo-halo namin 'yung mga 'yan to come up with this," pahayag ni Des.
Kara Mia: "Nakikita ba ng Langit?" Official Music Video