TV

WATCH: Mika Dela Cruz, inspiration sa kanyang character sa 'Kara Mia' si Angelika Dela Cruz

Inamin ni Kara Mia star Mika Dela Cruz na ang kanyang ate na si Angelika Dela Cruz ang inspirasyon niya sa kanyang karakter na si Mia.

Mika Dela Cruz

Si Mia ang nasa likod ng mukha ni Kara na ginagampanan naman ni Barbie Forteza.

FIND OUT: May actual case nga ba ng 'Kara Mia?'

Mika Dela Cruz, napatunayang tama ang desisyon sa paglipat sa GMA

"Parang siya nga po 'yung role ko e. Sabi ko sa kanya, 'Parang ikaw si Mia. Ikaw 'yung peg ko paano magsalita, paano magbiro, medyo nega ganon,'" sabi ni Mika.

Makakasama nina Barbie at Mika sina Jak Roberto at Paul Salas. Kasama rin sina Carmina Villarroel, John Estrada, Mike Tan at Glydel Mercado.

Alamin ang buong detalye ng Kara Mia sa video na ito:

Abangan ang world premiere ng Kara Mia simula Lunes, February 18, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.