TV

WATCH: Pilot episode ng 'Kara Mia'

By Aaron Brennt Eusebio

Trending agad sa online world ang pilot episode ng Kara Mia na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Mika dela Cruz, Jak Roberto at Paul Salas.

Pilot episode ng Kara Mia, trending agad

Simula pa lang, may nakakaaliw at nakakaantig damdaming pangyayari na agad ang naganap matapos mag-away sina Kara (Barbie Forteza) at Mia (Mika Dela Cruz).

Muntikan na silang mahulog sa isang foot bridge pero buti na lang ay sinalba sila ng engkantong si Iswal (Mike Tan).

Sino ba ang engkantong nagligtas sa kanila? May alam ba ito kung bakit naging ganun ang kalagayan nina Kara at Mia?

Alamin ang sagot at panuorin ang buong pilot episode (February 18) ng Kara Mia:

Patuloy na abangan ang Kara Mia, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.