TV

Sira na ang pamilya nina Kara at Mia | Episode 8

By Aaron Brennt Eusebio

Nagtagumpay na si Julia (Glydel Mercado) na paghiwalayin sina Aya (Carmina Villarroel) at Arthur (John Estrada) kaya naman masaya si Iswal (Mike Tan) dahil sa tingin niya ay mapapasakaniya na sina Aya at ang kambal na sina Kara at Mia.

Samantala, pupunta ang mag-iina sa Maynila upang matakasan si Iswal. Titira sila sa bahay ng lola nina Kara at Mia na si Asuncion (Alicia Alonzo).

Masusundan kaya ni Iswal sina Aya, Kara at Mia sa Maynila?

Alamin ang sagot at panoorin ang February 27 episode ng Kara Mia:


Samantala, mapapanuod na sina Barbie Forteza at Mika Dela Cruz bilang matatandang Kara at Mia simula mamaya, February 28.

Patuloy na tutukan ang kakaibang istorya ng Kara Mia, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.