
Isang sweet goodbye para kay Kara Mia actress Althea Ablan ang magpaalam sa buong cast ng hit Kapuso series.
Sa kanyang Instagram account, nagpasalamat ang young actress sa kaniyang cast mates at crew na nagsilbing pamilya niya sa set.
Aniya, “Thank you #KaraMiaFam
“I am so very happy that I am part of this family.
“I will miss our tawanan before mag take. I can't explain my happiness pag magkakasama tayo”
Sa nasabing post, inalala rin ni Althea nang ibigay sa kaniya ang script at malaman niyang mamamatay na ang karakter niya.
“At hinding hindi ko po malilimutan yung araw na pinaiyak niyo ako.
“Sabi ni direk 'Mawawala si Star," nag react lahat.
“And madami pang nagsabi sa 'kin na, 'Okay lang 'yan, fantasy naman ito malay mo.'
“And sabi ni Ate Mika, 'Iiyak na 'yan! Iiyak na 'yan!'
“Napatingin ako kay mommy pati siya nagsabi din hahahahaha and hindi ko na napigilan yung iyak ko…”
Panuorin kung paano inialay ni Iswal ang buhay ni Star para maibalik ni Reynara ang kaniyang kapangyarihan:
Ang alay ni Iswal:
Patuloy na tutukan ang istorya ng Kara Mia, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.
LOOK: 'Kara Mia' star Althea Ablan graduates Grade 8 with honors