TV

Barbie Forteza, nagpaalam na sa Kara Mia?

By Aaron Brennt Eusebio

Marami ang nagtaka kung mabubuhay pa ang karakter ni Barbie Forteza sa Kara Mia na si Kara matapos itong saksakin ng engkantong si Iswal.

Barbie Forteza


Sa isang tweet, nagpaalam na si Barbie sa lahat ng sumuporta sa Kara Mia.

"Maraming salamat sa lahat ng nanonood ng Kara Mia at sa pagsama samin ni Mia. Hanggang dito na lang po ako - Kara," tweet ni Barbie.


Paalam, Kara? | Episode 84

Pero sa episode kagabi, June 19, buhay pa si Kara kaya naman natuwa si Barbie.

"CHAROT!" tweet ni Barbie kasama ang kanyang naunang tweet.

"Buhay tayo mga kapuso!"


Patuloy na abangan ang huling dalawang linggo ng Kara Mia sa GMA Telebabad.