TV

WATCH: Ano ang hindi malilimutang scene nina Barbie Forteza at Mika Dela Cruz sa 'Kara Mia?'

By Aaron Brennt Eusebio

Sa huling linggo ng Kara Mia, hindi maiwasan ng mga bidang sina Barbie Forteza, Mika Dela Cruz, Jak Roberto, at Paul Salas na magbalik tanaw sa kanilang pinaka-hindi malilimutang scenes.

Mika dela Cruz and Barbie Forteza


Para kay Barbie, hindi niya malilimutan ang scene nila sa footbridge kung saan dalawang beses nila itong kinunan.

"Inulit namin siya nang dalawang beses tapos dalawang beses din akong umiyak kasi takot sa heights," ani Barbie.

Hindi naman malimutan ni Mika ang scene kung saan nagkaroon siya ng sarili niyang katawan.

Alamin din kung ano ang hindi pinakamalilimutang scenes nina Jak and Paul sa video na ito: