TV

'Stepfather,' tampok sa 'Karelasyon'



Dahil agad silang naging magkasundong magkasundo matapos magkakilala sa isang KTV bar, hindi na nagpatumpik-tumpik pa sina Carmen at Jess na magsama.
 
Umasa si Carmen na ituturing ni Jess na parang tunay na anak din si Kat-kat, anak ni Carmen sa unang naging live-in partner.   
 
Para matanggap siya ni Kat-kat bilang amain, ginawa ni Jess ang lahat ng panliligaw sa kalooban ng dalaga, pero walang nagisip na ang pagnanais ni Jess na mapalapit sa anak ni Carmen ay mauuwi sa pagnanasa at mabigat na kasalanan. 
 
Nang malaman ni Carmen ang tungkol dito, hindi na siya nagatubili pang pigilan ang kung anumang maari pang mamagitan kina Jess at Kat-kat. Balewala sa kanya ang mawalan ng lalaki sa buhay, ‘wag lang mawalay sa kaisa-isang anak. Subalit magiging huli na kaya ang lahat? Mahuhulog din kaya ang loob ni Kat-kat kay Jess?   
 
Base sa tunay na pangyayari, ito ang sunod na kwentong ihahatid ng 'Karelasyon!'
Tampok ang mag-ina sa tunay na buhay na sina Maria Isabel Lopez at Mara Lopez, at Emilio Garcia, sapanulat at direksyon ni Zig Dulay, ilalhad na ang storyang kasama pa rin si Ms. Carla Abellana. 
 
Ngayong Sabado ng hapon na! November 21, pagkatapos ng 'Eat Bulaga.'