TV

'Ex,' susunod sa 'Karelasyon'

Naging magulo at masalimuot ang paghihiwalay ng mag-asawang sina Nestor (Carlos Agassi) at Joan (Jade Lopez) ngunit hindi nagtagal ay naging magkaibigan din ang dalawa lalo pa’t nagtatrabaho sila sa iisang kumpanya lang. Pero kung si Nestor ay nakapag-move on na at may bago nang kinakasama, itong si Joan ay tila hiindi pa. Kahit nga may bagong siyang manliligaw sa katauhan ni Eric (Arthur Solinap), hindi pa rin handa si Joan na makipag-relasyon muli.  
Ito rin kaya ang rason kung bakit mas madaling napalapit sina Nestor at Joan sa isa’t isa nang muli silang magkasama sa iisang departamento? Muli ngang sinariwa ng dating mag-asawa ang kanilang relasyon kahit na ang bagong kinakasama ni Nestor na si Melissa (Gwen Zamora) ay buntis na sa una nilang anak. At ang orginal na asawa, tila magiging mistress pa ngayon ni Mister! 
 
Paano na lang kaya kapag nalaman ni Melissa na ang lover ni Nestor ay mismo niyang ex-wife?  Kabit nga bang matatawag si Joan kung siya pa rin ang legal wife? 

Ito ang magulo at maintrigang drama na sunod na itatampok sa Karelasyon, mula sa panulat ni Gay Ace Domingo at direksyon ni Zig Dulay. Abangan ngayong May 28 sa GMA! 

Mapapanood ang Karelasyon kasama si Ms. Carla Abellana tuwing Sabado ng hapon pagkatapos ng Eat Bulaga.