TV

'Bisita,' susunod sa 'Karelasyon'

Nakatakda nang ikasal sina Harvey at Katie kaya bago nila simulan ang seryoso at habambuhay na pagsasama ay naisip nilang magpakasaya muna nang todo. Nagplano sila ng isang bakasyon kung saan Malaya silang magpapakasaya at gagawin ang nais nila.

Sa isang party, makikilala nila si Casey, isang magandang babaeng kahihiwalay lang sa kanyang boyfriend. Ang hindi inasahan nina Harvey at Katie, ang bagong kaibigan nilang ito pala ang pagmumulan ng gulo sa samahan nilang dalawa. Hindi pala sa bakasyong ‘yun matatapos ang pagiging “feeling close” ni Casey sa engaged couple. At mapapansin ni Harvey na tila masamang impluwensya pala ang liberated na si Casey sa conservative girlfriend niyang si Katie.

Pero ano ba talaga ang intensyon ni Casey kay Katie? Abangan kung paano magtatapos ang gulong ito sa relasyon ng dalawang magkarelasyon na ninais lamang mag-enjoy bago maging mag-asawa.  

Ito ang kontrobersyal na kuwentong tampok sa sunod na episode ng Karelasyon, Pagbibidahan nina Karen delos Reyes bilang Katie, Archie Alemania bilang Harvey at Sheree Bautista bilang Casey, Hatid ng Gawad Urian awardees na sina Honeylyn Joy Alipio at Zig Dulay. 

Mapapanood ang Karelasyon kasama si Ms. Carla Abellana tuwing Sabado ng hapon pagkatapos ng Eat Bulaga.