TV

'Biktima,' susunod sa 'Karelasyon'

 

 

Isang ulirang anak si John Lloyd (Baron Geisler). Masipag, masiyahin at higit sa lahat, mapagmahal. Ngunit sa likod ng lahat ng ito, nagtatago ang isang sikreto. Lingid sa kaalaman ng kanyang ina at ilan sa kanyang mga katrabaho, si John Lloyd ay isang bading. Matagal na niya itong tinatago sa takot na hindi siya respetuhin ng mga taong nasa paligid niya.Ito na rin ang nag-uudyok sa kanya na hanapin ang pagtanggap at atensyon mula sa mga estrangherong nakikilala niya kapag siya ay namamasyal mag-isa. 

 

Sa kanyang pangungulila, makikilala at magiging kaibigan niya si JP (Derrick Monasterio).  Si JP at John Lloyd ay hindi pareho ng kasarian pero aasa pa rin si John Lloyd na magiging higit pa sa magkaibigan ang kanilang relasyon. At hindi alam ni John Lloyd, may masamang motibo sa kanya ang mukhang anghel pa naman na lalaking ito. At eto ay magiging isang bangungot sa mga tagong bading na gaya niya.

Subaybayan ang maintrigang kuwentong ito na pagbibidahan nina Baron Geisler, Derrick Monasterio at Elizabeth Oropesa kasama sina Mikoy Morales at Maey Bautista. Mula sa panulat ni Jon Verzosa at direksyon ni Adolf Alix, Jr.

Mapapanood ang Karelasyon kasama si Ms. Carla Abellana tuwing Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga.