TV

'Karelasyon' presents 'Modus for Love'

Matagal nang inaasam-asam nina Erwin at Tess ang magkaron ng magarbong kasal sa simbahan. At dahil malaki na ang kinikita ni Erwin bilang ahente sa isang bagong networking business, matutupad na yata ang kanilang engrandeng pangarap!  

Handa na nga ang lahat para sa nalalapit na okasyon at ang kulang na lang ay ang perang magmumula sa kumisyon sa kumpanyang pinapasukan. Ngunit sa kasamaang palad, ang networking business kung saan isang ahente si Erwin ay isang palang scam! Ngayon, hindi lang pambayad sa kasal ang kanyang problema kung hindi pati na rin ang perang kailangan niyang ibalik sa kanyang nga na-recruit sa negosyo!

Ito na ba ang magtutulak kay Erwin na muling pasukin ang masamang trabaho? Magiging open-minded na rin kaya siya sa iba't ibang modus matuloy lang ang plano nila ng kasintahang si Tess? At si Tess, papayag din kayang kumita ng pera sa maling paraan?

Ito ang kakaibang kwentong handog ng Karelasyon ngayong Sabado! Pagbibidahan nina Joross Gamboa, Katrina Halili, Maey Bautista, Chamyto at Rob Moya. Mula sa panulat ni Troy Espiritu at direksyon ni Zig M. Dulay.

 

 

Mapapanood ang Karelasyon sa GMA, kasama si Ms. Carla Abellana tuwing Sabado pagkatapos ng Case Solved.