GMA Logo karelasyon
What's on TV

Bride-to-be, ginahasa ng pinsan ng kanyang mapapangasawa sa 'Karelasyon'

Published April 15, 2021 12:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dog goes viral for ‘begging’ at GenSan eatery
4 soldiers killed in Lanao del Norte ambush
'Heated Rivalry' stars Hudson Williams and Connor Storrie named torchbearers at 2026 Olympics

Article Inside Page


Showbiz News

karelasyon


Sa April 10 episode ng nagbabalik-telebisyong 'Karelasyon,' isang malagim na pangyayari ang sinapit ni Sandra bago ang kanyang kasal.

Nagbabalik-telebisyon ang kinagiliwan at pinag-usapang drama anthology na Karelasyon.

Sa April 10 episode nito, natunghayan ang malagim na pangyayaring gumulantang sa konserbatibong magkasintahan na sina Martin (Ervic Vijandre) at Sandra (Yasmien Kurdi) bago ang kanilang kasal.

Para sa kanila, sagrado ang nalalapit nilang pag-iisang dibdib. Matagal na rin namang naghintay ang dalawa para sa espesyal na araw na ito. Pero ang sagradong selebrasyon, nabahiran ng isang malagim na trahedya.

Sa isang iglap lang, ang pinakaiingat-ingatan ni Sandra ay madaling nayurakan matapos siyang gahasain ng pinsan ni Martin na si Theo (Lucho Ayala).

Halos hindi mapatawad ni Martin ang kanyang sarili dahil hindi niya naipaglaban ang babaeng dapat sana ay kanyang pinoprotektahan.

Dito na ba matutuldukan ang kanila sanang panghabambuhay na pag-iibigan?

Sa mga nais balikan ang full episodes ng Karelasyon, pumunta lang sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang www.gmapinoytv.com para sa iba pang impormasyon kung paano mapapanood overseas ang drama anthology.