TV

Karelasyon: Misis, nag-iba ang ugali matapos manganak

Nagbabalik-telebisyon ang kinagiliwan at pinag-usapang drama anthology na Karelasyon.

Sa April 30 episode ng Karelasyon, natunghayan ang kalbaryo ng mag-asawang sina Ariel (Dennis Padilla) at Joan (Candy Pangilinan).

Sa simula ng kanilang pag-iibigan, na-love at first si Ariel, isang pedicab, kay Joan, isang empleyado.

Mas mabilis pa sa kahit anong takbo ng pedicab ang pagporma at panliligaw ni Ariel kay Joan at dahil nasa wastong edad na rin sila ay hindi na sila magpaliguy-ligoy pa.

Nagsama ang dalawa para bumuo ng pamilya. Sabi nga, biyayang maituturing ang pagkakaroon ng anak ngunit sa pagluwal ni Joan sa sanggol, tila nagbago ang ihip ng hangin.

Ang mabait at masayahing si Joan, naging palaaway at selosa.

Dahil sa dami ng nangyayaring gulo, nalito na si Ariel kung ang katabi niya sa pagtulog ay pareho pa rin ng inibig at pinakasalan niya noon.

Tila mas lumala pa ang kalagayan ni Joan dahil mas marami nang nadamay sanhi ng pagbabago ng ugali niya.

Nakasakit nga ng maraming tao si Joan pero kung tutuusin ay 'di naman niya ito sinasadya dahil meron din siyang pinagdadanan na siyang tanging dahilan ng lahat ng ito--ang pagkakaroon ng postpartum depression.

Ang mahalaga ay pinagsisihan na niya ang lahat ng kanyang pagkakamali at napatunayan niyang hinding-hindi siya iiwan ni Ariel anuman ang mangyari.

Panoorin ang buong episode dito:

Sa mga nais balikan ang full episodes ng Karelasyon at iba pang programa ng GMA, pumunta lang sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang www.gmapinoytv.com para sa iba pang impormasyon kung paano mapapanood overseas ang drama anthology.