TV

RECIPE: Nutri-Sarap Christmas Carbonara ni Mikee Quintos

Mga Sangkap:

300 g spaghetti noodles
100 g bacon, hiniwa ng ½ inch na haba
1 kutsarang mantekilya
3 butil na bawang, chopped
½ tasa button mushrooms, sliced
¼ tasa all-purpose flour
1 pack (38 g) Knorr Cream of Mushroom, tunawin sa 3 tasang tubig
1 ½ tasa all-purpose cream
asin at paminta
Parmesan Cheese
1 tali spinach leaves (optional)

Paraan sa pagluluto:

1. Lutuin ang spaghetti noodles ayon sa nakasulat sa lalagyan nito.
2. Lutuin ang bacon hanggang sa maging crispy ito. Itabi.
3. Dagdagan ng mantekilya ang pinagprituhan ng bacon at dito igisa ang bawang.
4. Idagdag ang button mushrooms at all-purpose flour. Haluin mabuti.
5. Tunawin muna sa tubig ang Knorr Cream of Mushroom at saka ito isalin sa niluluto. Pakuluin sa mahinang apoy hanggang maging creamy ang sauce.
6. Ilagay ang all-purpose cream. Idagdag ang spinach leaves. Haluin. Siguraduhing mahina ang apoy habang hinahalo ng dahan-dahan para mag-mix ang cream.
7. Alisin sa apoy at i-toss na ang sauce sa pinakuluang spaghetti noodles. Ilagay sa ibabaw ang crispy bacon at parmesan cheese.